Greetings from the Chief PNP

Republic of the Philippines
Department of the Interior and Local Government
National Police Commission
NATIONAL HEADQUARTERS PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Office of the Chief PNP

PDG ALAN LA MADRID PURISIMA

Assumption Speech
PDG ALAN LA MADRID PURISIMA
18th Chief, Philippine National Police
PNP Change of Command Ceremonies
December 18, 2012

 “My Commitment to My Countrymen”

[SALUTATION]…

Pangarap daw po ng sino mang nagsusuot ng uniporme ng pulis ang maging PNP Chief.Hindi naman masama ang mangarap,kung kaya’t aaminin ko na sumagi din ito sa aking isipan. Ngunit alam din nating lahat, na bukod sa talino at galing, nasa kamay ng Poong Maykapal ang katuparan ng ganitong pangarap.

Sa lahat ng pagkakataon, tanging Pangulo ng Republika ang siyang may karapatan sa pagpili ng Hepe ng Pambansang Pulisya at ang kanyang pangunahing basehan sa pagpili ay yung makakatuwang niya sa kanyang mga layunin, adhikain at pangarap para sa ating bansa.

Ngayon, narito po ako sa inyong harapan, hinirang na bagong Hepe ng Pambansang Pulisya. I am celebrating this moment and dream of a lifetime. But as I bask in glory,I am well aware that this moment is but a moment and the hard work is about to begin.

Mula sa aking pagkabata, pangarap ko na pong maging isang sundalo o di kaya’y isang taga-pagpatupad ng batas. This was realized after graduating from the Philippine Military Academy in 1981, commissioned as a 2nd Lieutenant of the defunct Philippine Constabulary. And with the passing of Republic Act 6975, I joined the Philippine National Police.

Ako ngayon ay isang Police Officer –sadyang napakasarap bigkasin. Ako’y isang Alagad ng Batas – anong linamnam sabihin. Kaya sa inyo, mga kapwa kong pulis,na tulad ko,na bata pa’y nangarap nang maging Alagad ng Batas, naniniwala ako na ang inyong pagnanais at dedikasyon sa pagiging pulis, ay patuloy pa ring nag-aalab sa inyong mga dibdib. Kaya naniniwala ako na ako’y sasamahan ninyo at kapit-bisig nating tatahakin ang malubak at mahirap na landas tungo sa ating mithiin. Kukumpunihin natin ang mga ito hanggang sa lahat ng landasin ay maituturing nating “Tuwid na Daan”.

Opo, kayo pong mga Police Officers, kung saan ang inyong mga ranggo ay napaloob ang salitang Police Officer, na kalimitang nakatalaga sa mga police stations, sa mga operating and investigating units ang mga inaasahan kong magiging kaagapay ko sa pagbibigay ng SERBISYONG MAKATOTOHANAN para sa ating kababayan. Kayong mga tinaguriang Police Officers, ang magsisilbing cutting edge o talim ng Pambansang Pulisya.Kayo ang nakatalagang magbibigay ng pangunahing serbisyong makatotohanan sa lahat ng pagkakataon. Kaya’t pag mapurol ang cutting edge o talim, mapurol din at depektibo ang serbisyong ibibigay ng buong kapulisan. Ngunit kapag matalim at maayos ito, nangangahulugan na ang kapulisan ay tapat sa tungkulin at nagbibigay ng serbisyong makatotohanan. Kung kaya’t,maraming adhikain ang makakamtan at matatamo ng ating Pambansang Pulisya.

How do we ensure we keep the organization’s cutting edge at its sharpest?We have to keep our Strategic Focus.

We shall enhance the COMPETENCE of each and every Police Officer;we shallundertake some ORGANIZATIONAL DEVELOPMENT and reforms; we shall instill DISCIPLINE within the ranks;we shall promote EXCELLENCE in the performance of our duties; and institute PROFESSIONALISM at all levels of the organization.

Through this Strategic Focus, we will bring to the fore a new breed of professional Police Officers who shared one vision and common objectives.  Professional Police Officers who are resolutely bonded by the PNP core values and principles.

Isa sa mga una nating gagawin para maging epektibo ang buong organisasyon ng PNP ay ang pagtukoy ng trabaho o papel na gagampanan ng bawat pulis.Mahalaga ang bagay na ito sa kadahilanang malalaman nang bawat isang miyembro kung ano ang dapat nyang gampanan para makamtan ang iniatang na misyon ng kanilang unit. Sa ganitong pamamaraan,maiiwasan natin ang kalituhan sa pagganap ng tungkulin.Maiiwasan din natin angpag-iwan ng isang trabaho dahil nautusan pang gumawa ng ibang bagay. Dahil dito, madali nang matutukoy ang nakakagawa at hindi nakakagawa sa kaniyang tungkulin. Mailalagay natin sa tamang gawain ang mga karapat-dapat sa bawat trabaho. Sa wikang ingles, putting round pegs in round holes.”  

Kung ikaw ay isang imbestigador, dapat naka-tuon ka sa mga kasong ibibigay sa iyo. Marami sa mga kaso ang nabibinbin dahil ang imbestigador ay nauutusan para gumawa ng ibang trabaho. Kapag ikaw naman ay nakatalaga sa patrolya, dapat langna hindi ka na tawagin para gawin ang ibang trabaho. Sa pamamagitan nito ay mas magiging dalubhasa ang mga pulis sa kaniya-kaniyang tungkulin.  

Kaya’t mahalaga na matukoy natin ang mga dapat na gawain ng isang pulis na nakatalaga sa kahit ano mang posisyon. Sa ganitong paraan, ay agad makikita kung sinu–sino at kung saan tayo nagkukulang sa ating serbisyo. Sa paraang ito, makikita rin natin ang wastong pag-gamit ng lahat ng resources ng ating organisasyon.

Sisimulan po natin ang “no multi-tasking policy and system” sa kapulisan sa lahat ng regions and offices. This system that was successfully introduced and implemented in the NCRPO. The system that definesthe role of each and every policeman, a role for every position that shall contribute to the overall attainment of the unit’s mission.

I will be strict when it comes to implementation and I will expect nothing but the best results.As I demand commitment and excellence from you, I shall equally focus on providing you the appropriate support that you need on your operations. We will also provide continuous training and refresher programs to enhance your skills and abilities.

We conducted an organizational audit in some offices of NCRPO during my stint as the Regional Director. We found out that there were many weaknesses, such as duplication of jobs, unnecessary and tedious processes, too many personnel assigned to perform menial tasks,and other dysfunctions which have encouraged inefficiency, delinquency and irregularity.And this is only just in the administrative side of our organization.

On the operation and investigation side, personnel expertise is wanting. Many were not trained enough to do the job they are performing and in most cases, investigations were bungled, and operations were mismanaged which only serve to tarnish the image of the police service. In recording such irregularities, there were no clear and established processes.

In reporting crime alone, the true crime situation cannot be properly presented because crime statistics were manipulated purposely to present a low crime volume. Our audit showed that the crime volume was indeed higher. We need to see the true crime picture in every locality for us to determine the appropriate solutions to this problem.False statistics result in costly, ineffective and useless deployment of resources.We have initiated changes in this aspect, conducted specialized training, audited and validated true crime reporting, and we will replicate these activities nationwide.Dapat ang mga ulat natin, lalo na sa ating mga kababayan, ay MAKATOTOHANAN.

Isasa-ayos natin ang mga proseso upang mapabilis ang serbisyo publiko, pati na rin ang serbisyo para sa kapulisan. Tutukuyin at aalisin natin ang mga mapagsamantalang opisyales at miyembro ng organisasyon.Kaya naman may mensahe ako sa mga kasamahan natin sa PNP na sangkot sa kasamaan at katiwalian: umalis na kayo ngayon pa lang.

Sa mga nag-iisip naman ng maganda para sa organisasyon, laging bukas ang aking tanggapan at kaisipan at laging handang makinig sa inyong magagandang panukala at pananaw.

Hindi naman po na dahil natukoy na natin ang tungkulin at gawain ng bawa’t isa ay nangangahulugan na kanya-kanya na tayo. Ang nais po natin ay maging isang team at magkaroon ng isang adhikain. We want to be a police organization that shares one vision and common objectives; professional police officers who are resolutely bonded by the PNP core values and principles.

Kahit nasaang bayan,probinsya o rehiyon ka man,ano man ang iyong ginagampanan, mag-imbestiga o mag-patrolya, kahit saang unit ka nakatalaga,SAF, CIDG, Highway Patrol, Maritime and Aviation Security Groups, at iba pang National Support Units, tayo ay nag-iisang team na mag-kakaparehas ang adhikain – to better serve our communities, to solve more crimes, to arrest more criminals, and to put them behind bars.

Dapat may teamwork at cooperation din among different units, among different stations, among neighboring provinces and ultimately,among the different regions. Dapat maging isang team na may kanya-kanyang role ngunit pare-pareho lang ang kahalagahan at layunin. Ang maging isang magaling na team – iyan ang hamon ko sa mga City, Provincial and Regional Directors, at lalung-lalo na sa mga Chiefs of Police o Station Commanders natin.

Sa aking karanasan bilang Regional Director ng NCRPO, – marami po tayong natapos na proyekto sa tulong at suporta ng ating magigiting na local chief executives nakatuon sa kasanayan ng kapulisan at tunay nating napa-igting ang galing ng ating mga kapulisan. Sa inyo po, mga local chief executives, sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing kalihim, Secretary Mar Roxas, maraming salamat at inaasahan po namin that as we implement the new systems in the other regions, susuportahan pa rin tayo ng local government units, sa pangunguna ng mga ginagalang nating mga gobernador at mga mayor sa buong bansa.

Sa lahat po ng miyembro ng ating Pambansang Pulisya,ang Daang Matuwid na itinataguyod ng ating mahal na Pangulo, at hangarin din ng ating mga kababayan, ay ating tatahakin.

Mag-umpisa po tayo sa pagiging totoong tao. Mag-umpisa po tayo sa pagtataguyod ng katotohanan at pawang katotohanan lamang. Maging totoo din tayo sa ating sinumpaang tungkulin –naprotektahan ang lahat ng mga mamamayan, na hanapin at ipaglaban ang hustisya para sa lahat, mayaman man o mahirap.

Nalalaman at nadarama ng publiko ang tunay na kapayapaan at kaayusan ng kanilang kapaligiran. Hayaan nating sila ang humusga sa ating ginagawa.Bigyan natin ang ating mga kababayan ng “Serbisyong Makatotohanan!” –iyan ang ating paninindigan; iyan ang ating ipagsisigawan.

Kamakailan lamang, nakikinig ako sa radyo ng aking sasakyan habang papunta sa isang meeting. Narinig ko ang popular na komentarista sa isang radio station na may ini-interview na bata na nag-ngangalang Michael.Nang tinanong siya kung ano ang pangarap niya sa kanyang paglaki, ang sagot ng bata,“Gusto kong maging Pulis!” Sa tunog ng boses ng komentarista, nagulat siya at nagtanong bakit gusto nito maging pulis. “Gusto ko manghuli ng magnanakaw” ang sagot ng bata.

Nakakataba ng puso ang aking narinig dahil ang bata ay hindi marunong magsinungaling.Sa murang edad ay nabigyang pansin niya ang kahalagahan ng pagiging isang Pulis at ang marangal na gawain nito. Sadyang napakalakas ng impluwensya ng ating magagaling na Police Officers sa ating kabataan.

Ito ang hamon ko sa lahat ng miyembro ng Philippine National Police – tayo ang magpapakita ng ehemplo sa ating mga kababayan sa araw-araw na pagtatrabaho natin upang madama at maranasan nila ang kaginhawaan at kasiyahan na dulot ng tuwid na daan. Ito na rin ang aking pangako sa ating mga kababayan sa mahalagang araw na ito – ang inyong Pambansang Pulisya ang magpapakita ng magandang ehemplo, dunong at galing.

Alam ko po na mas mabigat pa ang haharapin nating pagsubok sa mga susunod na araw lalo na sa paghahanda para sa isang maayos at mapayapang halalan sa Mayo 2013. Ako po ay nananalig sa ating organisasyon na kaya nating gampanan ng mahusay ang ating adhikain. “Serbisyong Makatotohanan!” Iyan ang ating inspirasyon para sa darating na halalan.

Again, I sincerely thank President Benigno S. Aquino III, for giving me the chance to serve our nation at the highest level of the Philippine National Police.Thank you for the real life examples you have set, which shall always serve to inspire us to dedicate ourselves in the service of our Country and our People. With your support and inspiration,the PNP will seek to be equal to the task.

“All orders and instructions shall remain undisturbed until they are rescinded or amended”

Maraming Salamat po sa inyong lahat at patnubayan sana tayo ng Poong Maykapal.

[Source of the Article]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *